Minsan, kung galit ka sa mundo, ito ang maisusulat mo..

I do everything I can, maiwasan lang ang kantang ‘ yun.  Thunder.  Kahit saan ako pumunta, pinapatugtog ‘yun sa mga sasakyan, cell phone at mp3 nila.  Iwas na iwas ako dun.  Allergic.  Sensitive. Averse. Nagpapaalala lang ‘yun ng mga pagkakamaling nagawa ko.  Mga pagkakamali na hanggang ngayon ay gumuguhit pa rin sa alaala ko.  ‘Yung pagkakamaling nagmahal ako sa taong hindi naman pala ako kayang ipagtanggol–hindi niya pala kayang ipagtanggol ang pag-ibig namin.  Siya pa nag-sabi, “Hayaan mo lang kung ano pa ang sabihin nila tungkol sa’tin.  Nuthin’ cud break us. =)” May kasama pang smiley ‘yun ah!  Samantalang siya ang nakipag-break naman sa’kin.  Ang galing niya ‘no?

Hay salamat.  Nakakasulat na ako ng blog.  Nawala na naman ang interes ko sa pagsulat (or pag-type) ng blog eh.  Nawala na rin ‘yung kagustuhan kong magsulat.  Mag-text.  Mag-internet  Mag-drowing. Mag-edit ng pictures. Magpa-picture sa camera. Lumabas ng bahay.  Maglinis ng kwarto.  Kumain. Maligo. Blah blah blah blah blah blah blah blah blah…

Na-miss ko na siya.  Hay, kailan kaya next na pagkikita namin?  Hay, gusto ko kapag magkita kami, ‘yung kami lang dalawa.  Alam ko gusto niya din ‘yun eh.  Tapos ang sweet namin ‘pag ganun.  Lambingan. Kulitan.  Sandal naman ako sa balikat ni ano.  O siya sasandal sa balikat ko.  O kaya magkayakap kami tapos hinahaplos ko likod niya.  Oo, ‘yung likod nga niya ‘yung paborito ko.  Ang lapad eh.  Tapos nakikita ko ‘yung mga ‘curves’ ng likod niya.  ‘Yun iyong masarap haplusin.  ‘Yung naiisip mo na kaya kang buhatin ng balikat niya.  Imagine lang ba.  Kahit noon eh nabuhat nga niya ako.  Sabi niya hindi daw ako mabigat.  Wooh, what a relief! Ibig sabihin kaya ako protektahan nitong lalaking ‘to.  ‘Yung tipong sa mga fairy tales na ise-save niya ako… “He’ll take me away to paradise!” Oh, bongga!  Libre lang mangarap, di ba?🙂

Hmmm.. Nag-internet ako one time, tapos may limewire.  Sabi ko, magda-download ako.  Kaso nalimutan ko ‘yung mga kailangan ko i-download.  Eto ang alin sa kanila:

1)   anything from Pupil.
2)   anything from Sandwich
3)   anything from Giniling Festival
4)   Rock Your Body by Justin Timberlake
5)   One of the Boys by Katy Perry
6)   anything from Eraserheads
7)   Chinese Demoracy by Guns and Roses
8)   Shapeshifter by Taken By Cars
9)   Six Feet Under the Stars by All Time Low
10) Coming Around by Metro Station

Instead, nag-download ako ng songs from The Hush Sound, Select Start, All Time Low, The Maine, Death Cab for Cutie, Green Day, The Ting Tings, Muse, Robert Pattinson, and Pussycat Dolls.  Bongga pa rin!  Wala pa akong copy ng mag ‘to eh.🙂

Nakakakaasar.  Hanggang ngayon, wala pa ako libro sa Pol. Science namin. Arghh.  P400 ang isang book, na naubusan ng stock.

January 20, 2009.  May nakakatakot akong iniisip.   Hindi kaya…  Hindi maaari eh.  Hindi na pwede…

Eh paano kung…  Hindi pwede.  May mahal na akong iba.

hmmm..

Posible ba ‘yun na in-love pa din ako ako dun?? >[

Naaasar ako sa sarili ko.  Gusto ko na ibaon ‘yung pagmamahal na ‘yun eh.  Posible kaya?

Nanaginip ako, ang weird.  Wala ito kauganayan sa past ko o sa present ko pero apektado ‘yung nararamdaman ko nung araw na ‘yun.  Ang weird talaga.  Pag-gising ko, nag naiisip ko, si past.

Weeeeiiiiiiirrrddddd talaga.  Sinasapian ata ako ng dating Jamie na kilala ko.  Sh*t f*ck.

Iba naman kasi ang “I’m in-love with you” sa “I love you”.  To be honest, mahal ko pa ‘yung tao eh, kaso tanggap ko nang wala na eh.

Hindi naman siguro.   Paranoid lang siguro ako.  O baka nang-iintriga lang ako..

Wow.  This past Christmas season, wala ako natanggap na regalo galing sa kanino man (maliban lang sa aginaldo ng erents ko).  Pero ako nagbigay sa mga tao.  Wow talaga.  Nung January ko na lang na-realize.  May nagtanong nga sa’kin noong New Year eh, isang kakilala na pumuporma din sa’kin.   Nagtanong kung kamusta daw ‘yung Xmas ko.  Sabi ko, ok lang.  Ang sabi niya, “Did u get any gifts?”  Sabi ko, wala.  Reply niya, “how sad.”  Sabay banat pang pambola na, “You should have told me.  I can make your Christmas special.”  Whatever ah.

[to be continued]

Published by: nuthin2say

This is the blog of a person who has been won, defeated, won again.. Because life is just like that. Jamie, aka nuthin2say, is a pseudonym. She can be found in other places in the internet, using the online name jhamiefloatie. Her thoughts spewed words that created this blog. This contained her frustrations and victories towards her journey through life. This blog was born circa 2008. Most of the posts are from her teenage years.

Categories My Expressions, Online Diaries and F*cked Up Life Stories3 Comments

3 thoughts on “Minsan, kung galit ka sa mundo, ito ang maisusulat mo..”

  1. I wish you the best of luck, Bords. There is indeed a lot of pressure on your shoulders but try not to think too much about what’s at stake. Isipen mo nlan ham yan. Jok. Focus on what you need to do and give it your best shot. That’s all you can do with all that setbacks. Or even if you call that a setback. Paranoia? Joke. I say you have a dilemma in your hands. Mahirap nga yan. Good luck nalan with your decision making. I’m sure you’ll pull through. Aun jam jAm. Im skeptic nga since last week. ahaha. amp kc. Information overload din ako ngayon. Waha. Sana walang task mamaya para laro na naman.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s