Tula ng Desperada—Sulat para sa kanyang mahal pt1

 

Handa kong gawin ang lahat para sa’yo.

Ikaw lang iniisip ko. Ikaw ang damdamin ko!

Gusto kong mayakap ka at sabihing mahal kita..

Pero anong magagawa’t wala ka na..

Gusto kita makita o mahawakan man lang,

Humingi ng tawad sa lahat nagawang kulang..

Handa akong gawin ang lahat ng ibig mo..

Gagawin ang lahat, masunod ka lang

Tawagin man ang martir o baliw ng iilan

Wala na akong pakialam

Mahal na mahal kita, bakit mo ako iniwan?

Ako’y nagdudurusa, umiiyak na naman..

Gusto kong kausapin mo ako ngunit ako’y iniiwasan

Hindi mo ba alam na ako’y nahihirapan?

Gusto kong malaman mo na handa akong maghintay

At para sayo, handa rin akong mamatay

At kung saktan ka niya, huwag kang maalala

Andito lang ako para damayan ka

At kung ako’y ayaw mo na, hindi na kita pipilitin pa

Dahil ang tanging hangad ko lang na ika’y lumigaya

Pero iyong tandaan, ako’y nandirito lang

Sa mga anak mo’y handa pa ako maging ninang!

Totoo lahat ng iyan at walang halong biro

Bakit ako manloloko sa taong mahal ko?

Kelan man ay hindi ako nagsinungaling sa’yo

At sa buong pagsasama natin ay hindi kita niloko

Hanggang ngayon ay hindi nagbago ang pagtingin ko sa’yo

Panghabang-panahon ang pagtinging ito

At hangang sa tumanda ako ikaw lang ang nasa puso ko,

Ang puso kong iyong-iyo..

Sana maintindihan mo na mahirap ang ika’y ikalimot

Ika’y mamahalin hanggang sa ako’y maging lumot..

At hanggang sa huling hininga ika’y aabangan

Na kumatok ka sa pintuan upang ako ay balikan

Mahal kita, iniibig ng aking sawing puso

Ang tulang ito ay alay sa’yo

 

Published by: nuthin2say

This is the blog of a person who has been won, defeated, won again.. Because life is just like that. Jamie, aka nuthin2say, is a pseudonym. She can be found in other places in the internet, using the online name jhamiefloatie. Her thoughts spewed words that created this blog. This contained her frustrations and victories towards her journey through life. This blog was born circa 2008. Most of the posts are from her teenage years.

Categories Poetry6 Comments

6 thoughts on “Tula ng Desperada—Sulat para sa kanyang mahal pt1”

  1. haha. thanks for sharing. and thanks for the laugh – i needed that. iniwan din kasi ako ng boyfriend (pero ayokong maging ninang sa future anak niya!). hindi pareho and stories natin pero ilang words lang para sa ‘yo. be good to yourself. huwag masyadong matagal ang pagmumukmok. kung ayaw niya, bakit pipilitin sabi mo nga. pero huwag mong isantabi ang sarili mong kaligayahan. maybe you will find someone new maybe not, maybe magkakabalikan kayo maybe not – whatever happens pagdasal mo na lang na maging masaya at kuntento ka sa ipinagkaloob na state of life ni Lord sa ‘yo. meron ka rin importanteng purpose sa mundo – find out what it is! the best to you and God bless…

  2. haay naku iha!!!wag kanang magka martir..hindi na uso yan!!!patay na yata ang mga martir binaril sa luneta..hahaha…i know 8 hurts pg iniwan ka nng mahal mo.kc na eexperienced ko rin yan…pero wala tayong magagawa kung mahal natin ay ayaw na sa atin..hayaan mo kung babalik xa ibig sabihin xa ay para sau…kung hindi hayaan mo na bka masaya na xa sapliling nng iba…someday you will find a way..to forget him..wag kang maghanap..hintayin mo na lang yong ryt guy para sau..god blesss!!!!!

  3. Ahaha. Wow. Thank you for the inspiring comment. For months, ngayon ko lang nabuksan WordPress ko. And there are some good things happen since I last posted this: 1) I’m already have a new boyfriend; 2) I completely moved on of my first boyfriend; 3) This is our 10th month today. :)

    Thank you, again. :)

  4. i know what you feel. ero its time to move on. maybe someday you will find a man that is better than him. cotinue your life without a doubt. think positive and soonewr you will forget him. i know masakit.. pero hindi pa ito ang huli. this the star , abeginning.. magsimula ka ili .. makikita mo rin ang taong magpapasaya sayo. kaya natin to. :) salamat

    1. I wrote this when I was sixteen. Now that I’m turning 21, I know better. Haha!

      I no longer whne over the guy and now we’re friends. It just hurts during those times , but now I’m older, and better. Syempre first love mo l, ganun di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s