Gana. Wala.

 

Hindi ko din alam kung papano ko sisimulan ang munting <*ahem*> blog na ito.  Medjo way out-of-touch na kasi ako nitong nakalipas na buwan.  Wala na akong gana.  Oo. Tama ang nabasa mo.  Wala na akong gana sa mga gawain na dati ay sunusulit-sulit ko pang gawin.  In short, wala na akong gana sa mga hobbies ko.  Teka, bago yun ah?!

 

Oo.  Wala na akong gana.  Parang light bulb, napundi na ang isip ko.  Pundido.  Pundido. Pundido ang utak ko sa ngayon.

 

Wala na akong ganang magsulat, kumain, mag-edit ng profile sa friendster, mag-friendster, mag-internet, mag-chat sa ym [wala naman kasi akong kausap palagi, palaging walang online na friend], magblog, magbasa ng libro, mag-edit ng picture, magpicture-picture, magtext, mangalikot sa computer ko, pati na ang pakikinig ng music.  Halos lahat na lang… Wala na akong gana.  Parang walang magawa kahit na maraming nakatambak na gawain.

 

Ewan ko kung ano ang nangyari.  Hindi rin naman ako nabo-bored, kaya hindi ko din masabi na nagsasasawa na ako dahil paulit-ulit.  Sadyang nawala na ang interes ko sa mga bagay na yun.  Pati ang aking pinakakahiligan, ang pakikinig ng music at pageedit sa photoshop, ay naaapektuhan.  Tila, sabog ako.

 

Kaya ang ginagawa ko eh lamalabas ng bahay [hindi ko palaging ginagawa yun] at tambay sa SM.  Minsan naman ay napagtripan ko ang mamsyal sa downtown at Marymart.  Hindi ko ginagawa yun.  Hanggang Jaro at SM lang daan ko.  Hindi na ako dumadaan sa downtown at kadalasan eh nakataxi ako [sosyal!].  Pero parang naiba.  Namasyal nang mag-isa, naka-jeep, at umikot-ikot kung saan-saan.  Hindi ko pa kasi nagagawa yun.  Ayos naman na makabisado ko ang buong Iloilo.  Dito na ako itinira eh.

 

Yan tuloy, gastos sa pamasahe ang inabot.  At hindi lang sa pamasahe.  This is much worse, kasi nagtitipid ako.  At ang dami ko pang aasikasuhin.

 

Parang mas trip ko pa ang uminom ng beer at maghangout . Kaso, wala na yung mga kaibigan ko.  Wala na akong makausap, wala na kong mapuntahan.  At namiss ko din ang lahat.  Namiss ko ang dati: ang room ko, ang dorm, ang roommates ko, at si…

 

Sila lang naman ang inspirasyon ko.  Ang inspirasyon ko sa mga ginagawa ko.

 

At dahil dun, feeling kawawa si Jamie.

 

Hindi ako pala-inom.  Hindi ako pala-nightout.  Hindi ako palalabas at pagala-gala sa Iloilo.  Pero iyun ang trip ko ngayon.  At ngayon lang.

[Malamang makakaabot ito kay inay, pero ayos lang.  Wala na akong ganang mag-isip. Wala na akong ganang magtago pa.]

 

Feeling ko, patay ang kalooban ko.  Manhid.  Parang injected ng anestesiya.

 

At etong istilo ko sa pagsulat, iba na rin.  Kahit ano na lang.  Hindi ito purong English, at hindi rin ito purong Tagalog.  Ayoko nang mag-isip.  Hindi naman “tamad” ang tamang term dito pero, “apathy.”  Apathy tawag dito.

 

Wala na akong gana.  Matagal na akong hindi naglalaro sa computer.  May ilang araw din na hindi ko nakalikot laptop ko [mga apat na araw ata iyun?].  May nakailang araw din ako na hindi nakababad sa net [akala ko hindi na ako mabubuhay nun]. Hindi ko na natatapos ang mga blog ko at saka yung iba ko pang sinusulat.  Wala na din akong ganang mag-edit ng pics.  Pati mag-upload, download at kung ano-ano pang hobby ko eh biglang na-off-steam. 

 

Pero kahit na wala akong gana sa mga hobbies ko, sinubukan ko din gawin yung mga iyun.   May one time na bumili talaga ako ng thumb drive para, kung sakaling magonline, eh makaupload ng pics sa friendster o makadownload ng videos sa youtube.  Tapos sa games naman, nagpaturo talaga ako sa dakilang kaibigan kong si Schondel ng larong Flyff sa online [buti libre magpaturo sa friend].  Siyempre kapos sa time, kaya hanggang ngayon eh hindi pa ako marunong.  At sa blogging naman, itong blog na ito ang patunay na sinisikap kong buhayin ang diwa ko.  As in drop dead feelings ko.  DEAD.

 

Pagdating naman sa pag-ibig ko, bumabalik sa alaala ko ang nakaraan at nagiging crying lady ako bago matulog.  DEAD.

 

Bukod sa pagbuhay sa hobbies ko, naging tambay na rin ako ng library.  Kahit na walang pinanaparesearch ang prof eh tumatambay ako—kukuha ng libro [tungkol sa history, literature, humanities, paintings], magbabasa ng konti, hihiramin ang libro at iuuwi.  Kaso may isa na naming problema:  wala na din akong ganang magbasa.  Kaya pagdating sa may boarding house eh inilapag lang ang libro sa gilid ng kami ngunit hindi ito masyadong babasahin.   Pahapyaw lang na basa tapos ayun, larga, papasok na sa eskwelahan! Pag-uwi eh hindi rin babasahin at kadalasan eh gabi na ako nakakauwi.  Tsk tsk.  Malas na libro, dahil ako ang nakahiram sa kanya.

 

Buti na lang at may kaibigan ako na nagpahiram sakin ng libro.  Sabi nia, trade kami.  Kaso, nauwi sa: “Sige tapusin mo muna yan.”  Hindi ko kasi matapos yung book ni Paulo Coelho.  Nawala na rin kasi ang interes kong mabasa.  Kaya ilang araw na lumipas, hindi ko pa tapos.  Anlabo ko ‘no?

 

Pasalamat naman ako, at meron tulad niya na hinihikayat akong mabasa ng libro.  Pero hindi niya alam ang dilemma ko ngayon.

 

Sa pakikinig naman ng mga kanta, medyo gulo naman ako kasi minsan ayaw ko na amakinig ng music.  Yung tipong, baka kasi may marinig akong hindi kaaya-aya.  Baka na rin eh, nagsasawa na ako sa mga kanta sa laptop ko.  Hindi na kasi ako maka-download na songs.  At saka, wala pa akong internet connection sa laptop.  Kaya naman, batong-bato na ako. 

 

Sa pag-edit naman, wala nang tumitigin ng mga gawa ko.  Wala na ang # 1 fan eh.  At saka, para saan pa?  Eh kung hindi ko rin naman mahasa ang talent ko.  Ano kinalaman ‘nun sa kurso ko? Wala.

 

Wala na akong gana.  Magtutoon na lang ako sa pag-aaral.  Teka, ang pangit naman noon.

 

“All work and no play makes Jack a dull boy.”

 

Eh paano naman kung pati dito eh mawalan pa ako ng gana?  Mas pangit naman pakinggan ‘nun.

 

Wala na akong inspirasyon, walang motivation, walang drive, walang nanghihikayat.

 

Walang kaibigan, walang kasama, walang tagahanga, walang pagmamahal.

 

Walang choice.  Walang gana.

 

Ayan ako ngayon.  Sinisikap kong magkaroon ng gana ang buhay ko.  Sawang-sawa sa mga nangyayaring hindi ko gusto.  Sinisikap ko magkaroon ng saysay ang lahat.

 

 

Itutuloy…

Published by: nuthin2say

This is the blog of a person who has been won, defeated, won again.. Because life is just like that. Jamie, aka nuthin2say, is a pseudonym. She can be found in other places in the internet, using the online name jhamiefloatie. Her thoughts spewed words that created this blog. This contained her frustrations and victories towards her journey through life. This blog was born circa 2008. Most of the posts are from her teenage years.

Categories Online Diaries and F*cked Up Life StoriesLeave a comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s