Nawawalan na ako ng loob. Ng pag-asa. Parang ayoko nang lumaban. Kasi alam ko nang matatalo ako. Para na akong masisiraan ng baet. Na konti na lang ay magkakaroon na ako ng tililing. Lahat ng problema ay lumalala dahil sa kapapabayaan ko. Ako ang may kasalanan. Alam ko na may kapalit.
Wala na akong pakialam. Kung sira na ako ngayon, itotodo ko na. Hindi na ako nag-iisip sa mga desisyon ko. Kailan lang, nagdesisyon akong makipagkalas sa kaibigan ko. Iba na ako ngayon. Suave na.
Nararamdaman kong malapit na akong umalis. Wala na nga akong pakialam. Mawawala rin naman na ako. Bigla.