Sakit.

Nakakaasar naman.  Ubo ako nang ubo tapos hindi lumalabas ang dapat lumabas.   Hindi tumalab ang Solmux sa’kin.  Bakit kasi ‘yon pa binili ko, eh, alam ko namang Robitusin ang emepekto sa’kin?  Asar.  Ayoko nang magkasakit.  Argggh.  Ang dami ko pang ia-attend!  May Ms. Arts ako.  May soccer team.  May creative dance.  May folk dance [na kinansel ko na ngayon kasi hindi talaga maganda pakiramdam ko].  May ROTC pa ako.  Ang malala, next Saturday na yung exercises!!  At hindi pa dun natatapos ah.  Meron pa akong seminar na, according sa kuya/guidance counselor/psychologist/cool dj ko, eh ako daw ang isa sa mga magle-lead.  Meron pa kaming acquaintance party for every psych major, and much worse, ginawa akong leader sa isang committee na labag sa aking kalooban.  Sa amin kasi, sapilitan.  Basta sa Psychological Society namin, bigla na lang na ganun!  Ini-encourage kasing maging active ang members.  Pero OK naman daw.  Sila na daw bahala sa streamers para hindi na mahirapan ang second year.  Whew!!

 

Teka, hindi ko pa nabanggit yung gig namin.  Buti na lang at na-move ulit ‘yon. Whew.  ‘Kala ko fully-loaded na talaga ang August ko.

 

Mabuti nga yan at maging busy ako.  At least I don’t have any personal problems.  Hindi ako mamumroblema sa lungkot, or whatsoever. Sabi nga ng kuya/guidance counselor/psychologist/cool dj ko, “You just need a little socialization.  You’re a loner.”  Right.  I choose to be alone.  But I’d rather be busy than to be emo.  Hahaha!

 

Anyway.  I am glad.  Glad, in the sense that, at least, I do something.  Hindi ‘yung kapag niyayang makipag-inuman eh sasama naman, tapos uwi kinabukasan.  Whoa.  Lagot ka kay nanay mo, Jam! Hahaha!

 

Maganda yan.  Busy ako.  :)   Ang nirereklamo ko lang ang sakit ko.  Sana matigil na ‘to.  Ayokong uubo-ubo ako sa entablado!

Respond to this post