Handa kong gawin ang lahat para sa’yo.
Ikaw lang iniisip ko. Ikaw ang damdamin ko!
Gusto kong mayakap ka at sabihing mahal kita..
Pero anong magagawa’t wala ka na..
Gusto kita makita o mahawakan man lang,
Humingi ng tawad sa lahat nagawang kulang..
Handa akong gawin ang lahat ng ibig mo..
Gagawin ang lahat, masunod ka lang
Tawagin man ang martir o baliw ng iilan
Wala na akong pakialam
Mahal na mahal kita, bakit mo ako iniwan?
Ako’y nagdudurusa, umiiyak na naman..
Gusto kong kausapin mo ako ngunit ako’y iniiwasan
Hindi mo ba alam na ako’y nahihirapan?
Gusto kong malaman mo na handa akong maghintay
At para sayo, handa rin akong mamatay
At kung saktan ka niya, huwag kang maalala
Andito lang ako para damayan ka
At kung ako’y ayaw mo na, hindi na kita pipilitin pa
Dahil ang tanging hangad ko lang na ika’y lumigaya
Pero iyong tandaan, ako’y nandirito lang
Sa mga anak mo’y handa pa ako maging ninang!
Totoo lahat ng iyan at walang halong biro
Bakit ako manloloko sa taong mahal ko?
Kelan man ay hindi ako nagsinungaling sa’yo
At sa buong pagsasama natin ay hindi kita niloko
Hanggang ngayon ay hindi nagbago ang pagtingin ko sa’yo
Panghabang-panahon ang pagtinging ito
At hangang sa tumanda ako ikaw lang ang nasa puso ko,
Ang puso kong iyong-iyo..
Sana maintindihan mo na mahirap ang ika’y ikalimot
Ika’y mamahalin hanggang sa ako’y maging lumot..
At hanggang sa huling hininga ika’y aabangan
Na kumatok ka sa pintuan upang ako ay balikan
Mahal kita, iniibig ng aking sawing puso
Ang tulang ito ay alay sa’yo
Posted by cat on August 22, 2008 at 7:24 pm
haha. thanks for sharing. and thanks for the laugh – i needed that. iniwan din kasi ako ng boyfriend (pero ayokong maging ninang sa future anak niya!). hindi pareho and stories natin pero ilang words lang para sa ‘yo. be good to yourself. huwag masyadong matagal ang pagmumukmok. kung ayaw niya, bakit pipilitin sabi mo nga. pero huwag mong isantabi ang sarili mong kaligayahan. maybe you will find someone new maybe not, maybe magkakabalikan kayo maybe not – whatever happens pagdasal mo na lang na maging masaya at kuntento ka sa ipinagkaloob na state of life ni Lord sa ‘yo. meron ka rin importanteng purpose sa mundo – find out what it is! the best to you and God bless…